CHILD ABUSE: Epekto nito at Bakit Dapat Itong Puksain.
Marami sa atin ang nakakakita araw-araw ng mga batang pagala-gala sa kalsada o hindi kaya ay sa bangketa. Karaniwan ang iba ay nanghihingi ng limos ngunit ang iilan ay gumagawa ng krimen na hindi mo aasahan na kayang gawin ng isang musmos na gaya nila.
Sa gayong paraan pa lamang ay makikita na kung gaano sila napababayaan ng kanilang magulang at mas nakatatanda sa kanila; nakikita na rin dito ang pang-aabuso na marahil ang pinag-uugatan ng kanilang pagiging isang mapusok na bata.
Nagsimula rin tayo sa pagiging isang munting musmos, karamihan sa atin ay nakaranas ng isang maginhawa at mapayapang buhay. Pasukin naman natin ngayon ang mundo ng mga batang nasa panig ng api.
ANO NGA BA ANG CHILD ABUSE?
Ito ay ang pagtrato sa mga bata at kabataan sa maling paraan ng
kanilang mga magulang, tagapag-alaga, o kakilala na nagiging dahilan ng paghina ng
kanilang pang-pisikal, pang-sikolohikal, at pang-kaisipan na kalusugan.
Ang pananakit ay kadalasang pisikal; pananakit, pagsusunog, at pagkagat. Bagamat ang pamamalo ay isa nang normal na paraan upang madisiplina ang isang bata, lumalabas pa rin itong mali kung ito ay sumusobra na. Ang ilan pang halimbawa ay sa sikolohikal at pangkaisipan ay ang paninigaw, pagmumura, pangmamaliit sa kanila at pagsabi ng masakit na mga salita.
Mayroon din tayong tinatawag na sekswal na pang-aabuso na mas sensitibo kaysa sa iba. Ito ay ang pagsangkot ng mga bata sa sekswal na aktibidad tulad ng child pornography at panggagahasa.
Panghuli ay ang pagpapabaya na siyang paulit-ulit na nangyayari. Ito ay ang hindi pagbibigay ng sapat na atensyon na kinakailangan ng isang bata, at kadalasan na may nakaambang na malaking panganib kung ipapapagpatuloy ng isang nakatatanda o isang tao ang ganitong pakikitungo sa isang munting musmos.
PAANO ITO NAKAKAAPEKTO SA ISANG BATA?
Marami itong nahahadlangang aspeto ng buhay ng isang bata, isa na rito ay pagkakaroon ng takot na kadalasang nagdudulot sa kanila ng trauma na sumisira sa angkop na paraan ng kanilang pag-iisip at pagkokontrol ng damdamin. Nawawalan din sila ng tiwala sa kanilang sarili, sa kapwa, at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Hinahadlangan din nito ang pagpapakabuti ng isang bata at maaari nitong maapektuhan ang kanyang kakayahan upang makatulong sa lipunan. Higit sa lahat ay napipigilan din ang paglaki niya ng normal dahil natatanggalan siya ng mga karapatan na nararapat matamasa ng isang bata na kagaya niya. Dapat din ay pantay-pantay ang pagtrato natin sa bawat bata anupaman ang kanilang itsura, edad, o katayuan sa buhay.
PAANO SILA MATUTULUNGAN?
Upang mabigyan ng proteksiyon ang mga inosenteng musmos na nagiging biktima ng karahasan, ginawang batas ng gobyerno ang RA 7610 o “Protection against child abuse, exploitation, and discrimination” at RA 9262 o “Anti-violence against Women and their children Act of 2004” na mayroong karampatang parusa sa kung sino man ang mahuling lumalabag dito.

Ngunit masasabi ko na dapat simulan muna ito sa mga
magulang at sa mga nakakatanda na nag-aalaga na siyang dapat unang humuhubog at
unang guro ng isang bata upang masimulan niya ang pagtahak sa landas ng
katagumpayan na maayos at buo ang loob.
Ang mga bata
ay hindi dapat sinasaktan dahil sila ang ating kinabukasan at pag-asa sa
hinaharap. Nararapat natin silang gabayan nang sa gayon ay magkaroon sila ng
magandang buhay at nang tayo rin ay kanilang alagaan. Dapat ay ipinapakita at
ipinaparamdam sa kanila ang pagmamahal na kailangan nila at maging mabuti rin tayong
ehemplo sa kanila para maging mabuti silang tao at hindi piliin ang alam nilang
mali sa batas moral at batas ng Diyos.
Nawa'y maging mulat ang bawat mamamayan ng bansa at ng buong mundo sa ganitong klase ng usapin, maging kaisa nawa sila upang tuluyang masugpo ang ganitong hindi makataong klase ng pang-aabuso sa bawat musmos na mayroong malaking pangarap na nais makamit sa kanilang buhay sa hinaharap.
"KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN." - Dr. Jose Rizal, Pambansang Bayani ng Pilipinas
KABATAAN, gumising ka!
Ikaw ang inaasahan nitong bansa.
Humayo ka at magpursigi
Nang makatulong sa mga naaapi.
Huwag mong itikom ang iyong bibig
Iparinig mo sa kanila ang iyong hibik
Huwag mong hayaan na gawin sayo ang hindi mo ibig
Isa kang Pilipino — may karapatan na tumayo at tumindig.
Nagpapaalala...
Pascual, Dela Paz, at Ogerio.

dapat ang mga magulang ang nakakintindi sa mga anak at hindi sila ang nanakit
TumugonBurahintama ang mga naihayag
TumugonBurahinnapakagandang hangarin ang inyong gustong iparating nawa'y maging daan kayo sa pagbabago
TumugonBurahinalagaan natin ang mga bata sila ang ating kinabukasan
TumugonBurahindapat ang mga nananakit ng mga bata ay maparusahan . ang liliit palang sinasaktan na , kahit anong kasalanan nila bata yan pag pasyensyahan na natin
TumugonBurahinsa aking palagay ay dapat pag sabihan muna natin sila hindi yung may nagawang mali kahit onti palo agad syempre nasasaktan sila at hindi naman nila kasalanan na ang naging magulang nila ay mga pabaya at bakal ang kamay
TumugonBurahinhuwag tayong tumunganga lang at manood gumawa tayo ng hakbang upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng child abuse. kawawa ang mga batang nasasaktan ng mga magulang nila ng sobra
TumugonBurahinItigil na ang child abuse!
TumugonBurahinIpaglaban ang kanilang karapatan.
TumugonBurahinwalang magandang kahihinatnan ang pananakit sa mga bata
TumugonBurahindapat ganito ang binibigyang pansin hindi nalang lagi tungkol sa droga nakakasawa na. pano sila? kawawa naman isinasantabi ang kanilang problema. paano na ang kinabukasan nila? tamang gabay at patnubay ang kailangan nila at hindi pang aabuso
TumugonBurahinIto rin ay isang isyu na kung saan ay dapat tutukan ng gobyerno dahil dito nababawasan ng bata ang tiwala sa sarili nalalabag ang karapatan at ito maaring humantong sa masasamang gawain.
TumugonBurahinisang mabuting halimbawa ng mga taong may pakialam sa kapwa
TumugonBurahinmahusay na pagkakagawa :) marahil ay mga matatalino kayong mga estudyante ng bansa
TumugonBurahinnako yung naging anak-anakan ko naging ganito sitwasyon sa lolo niya hay salamat sa blog na ito at namulat kahit papaano isipan naming dalawa
TumugonBurahinAng child abuse ay pwede maka apekto sa buong pagkatao o hanggang sa pagtanda ng isang tao. Kaya dapat na maibsan ito dahil nakakasira ito ng buhay. Mahusay ang mga kaalaman na nakapaloob sa blog na ito :)
TumugonBurahinSiyang tunaaaay! "NO EXCUSE FOR ABUSE" :))) like ko to! great job mga kabataan ng sta. cecil parochial school
TumugonBurahinTama na pang aabuso sa bata!
TumugonBurahinGUSTO KO TULOY MAGDEKLARA NG GERA LABAN SA MGA MAPANG-ABUSO JUSKO SALAMAT SA BLOG NA TO AT NABUHAYAN AKO NG LOOB SA PAGIGING PILIPINO
TumugonBurahindear parents
TumugonBurahinbe warned :))
ganyan mga nakikita ko sa bangketa dito sa central, talamak na rin yung mga batang magnanakaw ngayon
TumugonBurahinSana mabasa ito ng ibang magulang na walang ibang ginawa kung hindi saktan ang kanilang anak, sana naman ay marealize nyo na mali ang inyong ginagawa. Salamat sa inyong paalala Ate Bless! ☺��
TumugonBurahin-CSPSStudent