CHILD ABUSE: Epekto nito at Bakit Dapat Itong Puksain. Marami sa atin ang nakakakita araw-araw ng mga batang pagala-gala sa kalsada o hindi kaya ay sa bangketa. Karaniwan ang iba ay nanghihingi ng limos ngunit ang iilan ay gumagawa ng krimen na hindi mo aasahan na kayang gawin ng isang musmos na gaya nila. Sa gayong paraan pa lamang ay makikita na kung gaano sila napababayaan ng kanilang magulang at mas nakatatanda sa kanila; nakikita na rin dito ang pang-aabuso na marahil ang pinag-uugatan ng kanilang pagiging isang mapusok na bata. Nagsimula rin tayo sa pagiging isang munting musmos, karamihan sa atin ay nakaranas ng isang maginhawa at mapayapang buhay. Pasukin naman natin ngayon ang mundo ng mga batang nasa panig ng api. ANO NGA BA ANG CHILD ABUSE? Ito ay ang pagtrato sa mga bata at kabataan sa maling paraan ng kanilang mga magulang, tagapag-alaga, o kakilala na nagiging dahilan ng paghina ng k...
Katahimikan ay Basagin, Child Abuse ay Puksain!